View Full Version: Mutiny ni tsuite

OAV Message Board > General Forum > Mutiny ni tsuite


Title: Mutiny ni tsuite
Description: what do you think about the mutiny


raistlin - July 29, 2003 05:24 AM (GMT)
just got this in one of the few groups i'm a member of well what do you think...

----------------------------------------------------------------------------------------------

QUOTE


-Mahal kong Lt. SG Antonio Trillanes IV,
>
> Magandang umaga. Nawa'y maigi ang iyong kalagayan d'yan sa stockade.
> Magpahinga ka muna bago ka humarap sa court martial. Hindi bale nang
> litisin ka, nakapag-stay sa naman sa Oakwood, samantalang kami, pinaasa
> mong walang pasok ngayon. KJ ka talaga.
>
> Sinulat ko ang liham na ito para puriin ka sa iyong kagitingan na ipaalam
> sa buong sambayanang Pilipino ang kabulukang nangyayari sa ating gobyerno.
> Mabuhay ka.
>
> Ang problema nga lang, alam na namin lahat iyon, Kapitan Trillanes.
>
> Hindi na ninyo kailangan pang magtanim ng bomba at magpapogi sa inyong mga
> fatigues para lang ipaalam sa buong madla na may mga katiwalian sa
> gobyerno.
>
> Hindi tuloy ako nakapanood ng Terminator 3, eh malapit nang mawala sa sine
> 'yon. Okay sana kung nagbakbakan kayo ng mga sundalo ng gobyerno. Mala-THE
> ROCK saka DIE HARD sana ang nangyari. Kaso, nagsisisigaw lamang kayo sa
> lobby ng Oakwood. Para ano pa ang inyong mga armband?
>
> Sabagay pwede na kayong magtayo ng boutique na ang brand name ay Magdalo.
> Pwde kayong magtinda ng mga armbands, fatigue-inspired pants, caps at
> shades. Ipwesto nyo dyan sa Oakwood para strategic ang location at may
> sentimental value pa. Bebenta kayo, promise.
>
> Sa launch ng inyong boutique, pwede kayong maglagay ng mga bomba sa
parking
> lot tapos magpaparty kayo doon. Masaya di ba?
>
> Mabalik tayo sa layunin ng liham na ito. Yung sinasabi mong nagbebenta si
> Secretary Reyes ng bala sa mga rebelde, aba, lumang balita na 'yan. Alam
na
> naming mga ordinaryong tao yan. Bakit?
>
> Kaugalian na nating mga Pilipino ang mag-sideline di ba? Sa opisina nga
> namin may nagtitinda ng tsinelas, beads, tocino, tapa, muffins saka bags.
>
> Eh hayaan mo nang magbenta si Secretary Reyes ng bala sa kanila, baka
> gawang Taiwan lang naman yung mga bala na 'yon. Mahirap buhay eh, magkano
> lang naman sweldo ni Secretary Reyes. Malamang lumilihis yung mga bala o
> kaya puro supot.
>
> Yun namang sinasabi mong si GMA ang nag-utos ng pambobomba sa Davao, alam
> na rin naming mga Pilipino 'yon. Kaw naman, Kapitan Trillanes, sa
> pagka-tsismoso nating mga Pilipino, sino ba naman hindi nakakaalam na
> gobyerno gumagawa ng mga kalokohang 'yon?
>
> Plaza Miranda, Jabidah Massacre, pagpatay kay Ninoy, Rizal Day bombings,
at
> kung anu-ano pang kababalaghan, alam na naming gobyerno gumagawa. Hindi
> naman kami istupido noh! Sabi nga ng mga taga-Assumption, "We're not like
> tanga naman..."
>
> Ang drama-drama mo masyado, eh kami namang mga ordinaryong tao tinatawanan
> na lang mga katiwalian sa gobyerno. May linya ka pang "we're ready to die
> for our principles."
>
> Huuu...if I know, gusto mo lang magpa-spa sa Oakwood kasi sira na ang
iyong
> kutis dahil sa kagat ng lamok sa Basilan. Dapat sinabi mo na lang sa akin,
> may murang spa dyan sa Quezon Avenue, may "extra" pa.
>
> Ayan tuloy, nagsara Glorietta ng isang isang araw. Lagot ka, milyon nalugi
> sa mga Ayala. Baka pabayaran lahat sa 'yo yan. At saka naman Kapitan
> Trillanes, next time kayo magta-take over ng anumang lugar, 'wag naman sa
> mall. Hindi bagay sa inyong mga fatigues and armbands. Sino ba
scriptwriter
> ninyo? Tsugiin! Mali ang location ng action! Ni walang symbolic o
strategic
> meaning ang Oakwood.
>
> Hindi kayo nanood ng THE ROCK ano?
>
> Hay nako, may pasok tuloy ngayon. Nabitin kami. Pogi points ka pa sa mga
> girls kasi ang guapo mo sa fatigue. Yun nga lang, you didn't die for your
> principles. May paiyak-iyak and hug pa kayo.
>
> Kaya kayo tinatawanan ng Abu Sayyaf, malalambot ang puso ninyo, madrama
> kayo masyado. Ganyan ba kayo sa Basilan? 'Pag rat-ratan na, nagyayakapan
na
> lang kayo at umiiyak? God, it's so nakakahiya naman to the enemy.
>
> Hay nako, Kapitan Trillanes, mag-direct ka na lang ng pelikula ha? Tingin
> ko mas magaling ka pa kay Ang Lee kasi militar ka talaga. Maganda yung mga
> subplots na naisip mo. Maganda rin yung mga dialogue mo.
>
> 'Pag nag-direct ka na ng movie, make sure may bakbakang matindi sa huli.
> Yung tipong mawawarak yung buong building. Yun, mas exciting, hindi yung
> katulad kahapon.
>
>
> Nagmamahal,
>
> Ang iyong tagahanga
>Juan dela Cruz


Jiro - July 30, 2003 02:13 PM (GMT)
Nice letter, I could NEVER have written it better myself!!! <LOLZ> :lol:

Oracle - August 1, 2003 06:32 AM (GMT)
Nyahahaahahahahahahahahahahahaahahahahahahhaa!!!! GoodLuck!!!
Nyahahahahahaahahahahahaha!!!!!

:peace:

l_i_g_a_y_a_h_a_r_u_k_a - August 24, 2003 03:49 PM (GMT)
Lecheng mutiny na 'yan.

I know it's a crime to be too excited but as a budding reporter, I WAS hoping for a bit more action. Instead, all I got was waiting ... and waiting ... and WAITING... :angry: --;

And I was also inconvenienced by the number of police that patrolled around my house till the day of the SONA... <_< (I live in Makati for those not in the know)




Hosted for free by InvisionFree